"The Lord is My Portion"

Psalm 119 (Payer Focus Week)  •  Sermon  •  Submitted
0 ratings
· 802 views
Notes
Transcript
Sermon Tone Analysis
A
D
F
J
S
Emotion
A
C
T
Language
O
C
E
A
E
Social
View more →

Introduction

How’s your personal Bible reading and prayer? Salita ba ng Diyos ang pumupuno sa isip mo, tinitibok ng puso mo, at kumukuha ng atensyon mo o yung mga balita, alalahanin at atensyon tungkol sa pagdami ulit ng Covid cases. Binasa ko naman yung Genesis 1-11 this week, pero ang hirap din ialis ng isip ko sa pagmonitor sa mga cases dito sa Baliwag, at sa trend sa buong Pilipinas. Napa-rapid test tuloy ako kahapon para maging kampante lang kasi magpi-preach ako ngayon. Akala ko pa naman tuloy-tuloy na na wala na tayong online option pag Sunday, hindi pa pala. Pero patuloy tayo sa pagsamba sa Diyos, patuloy tayo sa pakikinig ng kanyang salita dahil mas mahalaga na mangibabaw ang good news of the gospel kesa sa mga bad news tungkol sa pandemic na ‘to at tungkol sa iba’t ibang problema pa sa society natin.
Or baka nga nagiging regular na ang Bible reading mo, pero baka nagiging isang spiritual discipline lang na nakafocus na gawin ang mga kailangan mong gawin as a Christian. Reminder din ito sa akin. Disiplinado naman ako sa reading and studying the Word of God, pero baka ginagawa ko lang yun dahil pastor ako ng church. Nae-enjoy ko ba? Nae-enjoy mo ba? Nararanasan mo ba itong Bible reading as a way of enjoying your communion with God? O baka nagiging “habit” na lang na wala na yung joy and delight sa heart mo?
Kahit gaano na tayo ka-mature sa Christian faith natin, we are still prone sa ganitong spiritual condition. Hindi mo na kailangan ng test kit to prove that. At ito ang isa sa mga dahilan bakit at the start of the year ay tinitingnan natin ang ilang mga passages sa Psalm 119, ang pinakamahabang bahagi ng Salita ng Diyos, at bawat talata dito ay tungkol sa salita ng Diyos. Hindi lang ito mga verses about God’s Word. Ito ay lyrics ng isang awit, a beautiful work of poetry. Nakadisenyo hindi lang para pag-aralan o pakinggan sa isang sermon, kundi para awitin, para maramdaman at maranasan, para maturuan tayong ipagdiwang ang salita ng Diyos. Walang puwang dito tungkol sa Bible na drudgery lang o joyless discipline.
Yes, carefully composed itong psalm na ‘to. Tinatawag itong acrostic psalm, ibig sabihin bawat section nito na may tig-eight verses ay kumakatawan sa bawat letra ng 22-letter Hebrew alphabet. Last week, yung Zayin sa vv. 49-56, bawat verse sa Hebrew ay nagsisimula sa letrang ‘yan. Ngayon naman yung Heth section sa vv. 57-64. Obviously, sobrang engaged yung mind ng sumulat nito, under inspiration ng Holy Spirit, para i-compose itong psalm na ‘to. Pero hindi ibig sabihin naka-detached yung heart niya habang ginagawa yun. Kailangan natin ng mind and heart, thinking and feeling, light and heat sa approach natin Bible reading natin.
Obvious ‘yan sa content ng Psalm 119. Simula pa lang, vv. 1-2, tungkol na sa “blessedness” o happiness in relation to our attitude sa salita ng Diyos. Walang totoong happiness kung nakahiwalay ang buhay ng tao sa salita ng Diyos. Kaya nasasabi niya—“In the way of your testimonies I delight” (v. 14); “I will delight in your statutes” (v. 16); “Your testimonies are my delight” (v. 24); “I delight in it” (v. 35);“I long for your precepts” (v. 40); “I find my delight in your commandments, which I love” (v. 47, also v. 48, “which I love”); last week nakita natin, “Your statutes have been my songs” (v. 54). So, hindi lang ito tungkol sa mga words, hindi lang ito tungkol sa pagbabasa. Meron naman talaga na mahilig magbasa, tulad ko!, finding so much pleasure in reading. Yung iba naman ayaw magbasa. But it is not about reading words. Yung Bible reading ay isang delight dahil ang Bible ay Word of God. God is the reason why Bible reading is delightful. Nagiging drudgery yung Bible reading kung ihihiwalay natin yung Word of God from the God of the Word.
This is why the psalmist opens itong Heth section na ‘to sa v. 57, “The Lord is my portion...” and ends with v. 64, “The earth, O Lord, is full of your steadfast love.” Ang buhay mo ay tungkol sa Diyos. Ang Diyos ang lahat-lahat sa buhay natin. Pati ang buong mundo, it is all about God—ang makilala kung sino ang Diyos at ang maranasan ang laki ng pagmamahal niya sa atin. Kung ganito ang perspective natin sa Bible reading—it is all about God—malaki ang mababago. Tatlong bagay ang titingnan natin sa passage natin ngayon. Una, mas makikilala natin ang Diyos na God of grace at yung mga salita niya ay gift of his grace para sa atin (vv. 57-58). Ikalawa, mas makikilala natin ang Diyos na deserving of obedience at ito rin ang mag-uudyok sa atin to increase our commitment to obey him (vv. 59-61). Ikatlo, makikita natin na karapat-dapat ang Diyos sa pagsamba at ito ang magpapainit sa atin sa pagpupuri sa kanya (vv. 62-64).

God of Grace (Psa. 119:57-58)

Kung ang pagtingin natin sa Word of God ay nakafocus sa God of the Word, ano ang magiging epekto nito sa atin? Una, dito sa vv. 57-58, mas makikilala natin ang Diyos na God of grace at yung mga salita niya ay gift of his grace para sa atin. Ang pagbabasa ng Bibliya ay hindi para makamtan natin ang biyaya ng Diyos, o para patunayan natin ang sarili natin na karapat-dapat tayo sa mga pagpapala niya. No. The Bible is already God’s gift sa atin. In giving his Word to us, he give himself. Kaya nasasabi ng psalmist, “The Lord is my portion; I promise to keep your words” (v. 57 ESV).
Itong “portion” ay tumutukoy sa bahagi ng lupa o pagmamay-ari. Gusto natin magkaroon tayo ng sariling property, at hindi nangungupahan lang kasi sa tingin natin yun ang magbibigay sa atin ng satisfaction at security. Kaya maraming mga magkakapatid ang nag-aaway sa hatian ng lupa na ipinamana sa kanila. Pero hindi natin kailangang makipag-agawan o makipagpaligsahan sa real property kay Manny Villar to get that satisfaction and security. Kung ikaw ay nakay Cristo, ang Diyos ay sa ‘yo. “All things are yours, whether...the world or life or death or the present or the future—all are yours, and you are Christ’s” (1 Cor. 3:21-23). Wala ka mang pag-aari kahit isang paso ng lupa, kung nasayo naman ang Diyos, na siyang may-ari ng buong mundo at lahat ng naririto (Psa. 24:1), masasabi mo rin tulad ng psalmist, “Ikaw lamang, O Yahweh, ang lahat sa aking buhay” (Psa. 119:57 MBB). Madaling sabihin sa iba, “Ang Diyos ang lahat-lahat sa akin. Wala na akong kailangan pang iba.” Pero masasabi ba natin yun honestly and directly sa Diyos mismo na nakakaalam ng mga hangarin ng puso natin?
Yung pangako niya na sumunod sa Diyos sa sumunod na linya, “I promise to keep your words” (v. 57) ay nakakabit dun sa katotohanan na ang Diyos ang lahat-lahat sa kanya. Hindi ito isang resolution para sagutin ni Lord yung mga prayers niya at para magkaroon siya ng “better” life. Ang pangako niya na sumunod sa Diyos ay hindi para makuha ang pabor ng Diyos. Legalism ang tawag dun. Pero ang gospel, sinasabi sa atin na ang pabor ng Diyos, ang pagtanggap ng Diyos ay nasa atin na dahil sa ginawa ni Cristo sa krus para sa atin. Dahil nasa atin na ang Diyos, dahil tinupad na niya ang pangako niya na ibibigay ang kanyang sarili para sa atin, kaya naman nangangako tayo na ibibigay din natin ang lahat-lahat sa pagsunod sa kanyang mga salita.
At heto pa ang isang ebidensya ng napakasaganang biyaya ng Diyos sa atin. Bagamat nasa atin na ang pagpapala ng Diyos dahil sa pakikipag-isa natin kay Cristo, nangako siya na ipaparanas pa sa atin ang nag-uumapaw niyang biyaya at pagpapala kung hihingin natin ito sa kanya. Di ba’t sinabi ni Jesus tungkol sa prayer, “Ask and it shall be given to you”? Kaya ganito yung prayer ng psalmist sa sumunod na verse, “I entreat your favor with all my heart; be gracious to me according to your promise” (v. 58). Oo, sabi ko kanina na nasa atin na ang pabor ng Diyos. Hindi na natin kailangang pagtrabahuhan yun. Pero gusto nating mas maranasan yung reality nung communion na yun sa araw-araw na buhay natin. Literally, hinihiling niya dito na gusto niyang makita ang mukha ng Diyos. Ibig sabihin, yung kaluguran ng Diyos, yung kasiyahan ng Diyos, yung maranasan na ang Diyos ay lahat-lahat para sa ‘yo, that he is for you and not against you. Masidhi ang hangarin niya para dito, “with all my heart.” At hinihiling niya ang biyaya at habag ng Diyos hindi dahil sa commitment niya sa pagsunod sa Diyos, kundi ayon sa commitment ng Diyos na tuparin ang mga ipinangako niya sa kanyang salita. And how can we pray like this, with humility claiming God’s promise, kung hindi natin binabasa at iniintindi kung ano ang mga pangako niya na nakasulat sa kanyang salita?
Marami sa mga biyaya ng Diyos ang hindi natin nararanasan dahil marami ring oras ang sinasayang natin sa ibang bagay sa halip na paglaanan natin ang pagbubulay sa kanyang mga salita at manalangin nang ayon sa kanyang salita. So, we read the Word because of God and to have more of God. Ang Diyos ang simula at katapusan ng Bible reading natin. Mula sa simula, “In the beginning God” (Gen. 1:1), hanggang sa katapusan, “I am coming soon” (Rev. 22:20), hanapin mo ang Diyos, kilalanin mo siya, and pray his promises daily.

Deserving of Our Obedience (Psa. 119:59-61)

Kung ang pagtingin natin sa Word of God ay nakafocus sa God of the Word, ano ang magiging epekto nito sa atin? Nakita natin sa vv. 57-58, una, na mas makikilala natin ang Diyos na God of grace at yung mga salita niya ay gift of his grace para sa atin. Ikalawa, dito naman sa vv. 59-61, mas makikilala natin ang Diyos na deserving of obedience at ito rin ang mag-uudyok sa atin to increase our commitment to obey him. Nasulyapan na natin kanina yan sa v. 57 nang idinugtong niya yung pangako niya na susundin ang salita ng Diyos dahil ang Diyos ang lahat-lahat sa kanya. Hindi kasi pwedeng sasabihin lang natin na mahalaga ang Diyos sa atin pero hindi naman ganun ang nakikita sa buhay natin. Hindi naman pwedeng every Sunday we are singing God’s praises pero throughout the week binabalewala natin ang mga utos niya at tayo pa rin ang nasusunod. Dito sa vv. 59-61, makikita natin ang klase ng obedience ng isang taong itinuturing na ang Diyos ang lahat-lahat sa buhay niya. Anong klaseng obedience?
First, repentant. Ito yung obedience na inuudyukan ng tunay na pagsisisi. Sabi ng psalmist sa v. 59, “When I think on my ways, I turn my feet to your testimonies.” Merong self-examination. Pinag-iisipan niya kung ang paraan ng pamumuhay niya, ang mga desisyon niya, ang lifestyle niya, kung yun ay sang-ayon sa salita ng Diyos. Tayo karaniwan pag-iisipan lang natin yung ginagawa natin kapag meron nang masamang nangyari. But as we expose ourselves to the Word of God, dapat handa rin tayong masaktan, maoffend, at mapagsabihan. Eto ang mensahe ng Diyos sa mga Judio na nagiging kampante sa buhay nila pagbalik nila sa Jerusalem, through prophet Haggai, “Consider your ways…Consider your ways” (Hag. 1:5, 7).
At kapag sinaway tayo ng Diyos, aminin natin ang kasalanan natin, humingi ng tawad sa kanya, at hilingin na tulungan tayong magbago. Kapag naliligaw ka na, at nalaman mong naliligaw ka, mali na ang dinadaanan mo, at hindi ka pa rin bumalik sa tamang daan, delikado ‘yan. Alam ng psalmist ‘yan. Kaya siya? “Ibinalik ko ang aking mga paa sa iyong mga patotoo” (AB 2001). Sabi nga ni Charles Spurgeon tungkol sa verse na ‘to, “Ang pagkilos na hindi pinag-isipang mabuti ay kahangalan, at ang pinag-isipan ngang mabuti ngunit wala namang ginawang pagkilos ay katamaran. Ang mag-isip na mabuti at pagkilos kaagad ay magandang kombinasyon na ang dulot ay kasiyahan” (The Treasury of David).
Hindi lang pagkilos, kundi agarang pagkilos. Ito yung ikalawang klase ng obedience na makikita natin dito—rapid, or prompt obedience or obedience without delay. Sabi niya, “I hasten and do not delay to keep your commandments” (v. 60). Sa salin ng Ang Biblia (2001), “Ako'y nagmamadali at hindi naaantala na sundin ang iyong mga utos.” Ganito ang klase ng pagsunod na nagpapakita ng paggalang at pagpapahalaga sa Diyos. Hindi tulad natin sa mga magulang, kapag inutusan, bibilangan pa, “Isa, dalawa, tatlo...” At kung sumunod nakakunot pa ang noo at nakasimangot at nagdadabog pa. Walang joy. O magmamadali lang kapag sinabing, “O kapag naglinis ka ng kuwarto, magja-Jollibee tayo!” “Yehey, Jollibee, dali!” O kaya yung announcement ng barangay na ang mga bata sa loob lang muna ng bahay dahil sa pandemic. Dati kapag inuuwi ko yung L300 ng church, pag malapit na ko, nakita ako ng mga kabataan na nakatambay, ang bilis tumakbo pauwi, akala nila barangay patrol na. Nagmamadali dahil sa takot.
Pero itong psalmist, na dapat ganun din tayo kung sinasabi nating Diyos ang lahat-lahat sa atin, nagmamadali na may kasabikan sa pagsunod sa Diyos. Parang si Kyrie, kapag narinig pa lang yung motor ko na paparating, lumalabas na ng bahay, mabilis at masayang sumasalubong. Ganito yung obedience sa Word of God kung ang pangunahin sa isip at puso natin ay ang Diyos, the God of the Word. Kaya sabi ni Spurgeon ulit, “Ang bilis sa pagsisisi at bilis sa pagsunod ay dalawang napakainam na bagay. Karaniwan kasi nagmamadali tayo na magkasala. Oh, sana’y mas nagmamadali tayo sa pagsunod…Ang pagiging mabagal sa pagsunod sa mga utos ng Diyos, sa katunayan, ay pagsuway sa mga ito.”
Anong klaseng obedience? Repentant and prompt, without delay. Ikatlo, resolute o buo ang loob. Sabi niya sa v. 61, “Though the cords of the wicked ensnare me, I do not forget your law.” Sa salin ng Ang Biblia, “Pinuluputan ako ng mga panali ng masama; hindi ko nalimutan ang iyong kautusan.” May mga panahon na madaling sumunod sa utos ng Diyos, lalo na kung kumportable o convenient sa atin. Pero kung lahat ng mga kasama mo sa office o sa business o sa government puro masasama ang ginagawa, o kaya binabantaan ka na kung ieexpose mo ang gagawin nila, mahirap na. Kaya yung iba sa atin nakukumpromiso. Minsan we make excuses pa, “No choice e, ganun ang kalakaran ngayon, naipit na.” Minsan sinisisi pa natin ang Diyos na para bang siya ang naglagay sa atin sa mga ganung alanganing sitwasyon o parang wala siyang ginawa para iligtas tayo sa masama. But we always have a choice na piliin ang pagsunod sa Diyos kesa sa paggawa ng masama. Sa mga panahong ito masusubok ang tibay ng pagsunod natin. Sabi nga ni John Calvin, “To continue to love the law, and to practise righteousness, when we are exposed as a prey to the ungodly, and perceive no help from God, is an evidence of genuine piety” (Commentary on the Psalms).
Repentant, rapid, and resolute—eto ang klase ng obedience sa salita ng Diyos ng sinumang nagsasabing Diyos ang lahat-lahat sa buhay niya. May tunay na pagsisisi, agaran, at buo ang loob na pagsunod. Meron ka bang ginagawa ngayon na taliwas sa kalooban ng Diyos, at nag-aalinlangan ka pang talikuran, at gumagawa ka pa ng excuses para lang hindi mabitawan ang kasalanang ‘yan? Wag mo nang pagtagalin. Repent, trust in Jesus, and obey his word. Hindi mo ‘yan pagsisisihan.

Worthy of Our Worship (Psa. 119:62-64)

Kung ang pagtingin natin sa Word of God ay nakafocus sa God of the Word, ano ang magiging epekto nito sa atin? Nakita natin sa vv. 57-58, una, na mas makikilala natin ang Diyos na God of grace at yung mga salita niya ay gift of his grace para sa atin. Ikalawa, sa vv. 59-61 naman, mas makikilala natin ang Diyos na deserving of obedience at ito rin ang mag-uudyok sa atin to increase our commitment to obey him. Ikatlo, at dito naman sa vv. 62-64, makikita natin na karapat-dapat ang Diyos sa pagsamba at ito ang magpapainit sa atin sa pagpupuri sa kanya. Wag nating paghihiwalayin ang Bible reading at worship. Kaya nga mahabang oras ang inilalaan natin sa Word of God everytime we gather every Lord’s Day. At hindi lang kapag Linggo, tinutulungan tayo ng salita ng Diyos para mag-umapaw sa puso natin ang mga papuri at pasasalamat sa Diyos araw-araw. Anu-anong klaseng pagpupuri ang nararapat sa Diyos?
Una, ceaseless praise. Hindi lang Linggo, kundi araw-araw. Hindi lang umaga, kundi hanggang gabi. Sabi ng psalmist sa v. 62, “At midnight I rise to praise you, because of your righteous rules.” Sa salin ng Ang Biblia, “Sa hatinggabi ay babangon ako upang ikaw ay purihin, dahil sa iyong mga matuwid na tuntunin.” Ang mga patakaran ng gobyerno ay umaani ng katakut-takot na mga batikos. Ang iba kasi ay walang sense, ang iba ay hindi makatarungan, ang iba ay may kinikilingan. Pero ang mga panukala ng Diyos ay hindi blame-worthy, bagamat meron ding bumabatikos. Ang tuntunin ng Diyos ay matuwid, ang puso at pamamaraan natin yun ang baluktot. Kaya karapat-dapat purihin ang Diyos sa bawat oras dahil hindi naman nagbabago ang salita ng Diyos, dahil hindi naman nagbabago ang Diyos. Matuwid siya sa lahat ng panahon. Kaya kahit hatinggabi bumabangon ang psalmist para magpuri sa Diyos. Ganun kahalaga ang Diyos sa kanya. Nakita na natin last week yung sa verse 55, “I remember your name in the night.” Kung ano ang mahalaga sa ‘yo handa kang pagpuyatan. Yung assignment mo sa school, bakit pinagpupuyatan mo? Yung Netflix o YouTube bakit pinagpupuyatan mo? Tapos sasabihin mo kapag magbabasa ng Bible, “Inaantok na ko. Bukas na lang”? Pero kung ang puso mo ay puno ng papuri sa Diyos, ang gabi nagiging parang araw. Sabi ni Spurgeon, “Thanksgiving turns night into day, and consecrates all hours to the worship of God. Every hour is canonical to a saint.”
Ikalawa, hindi lang ito ceaseless praise na personal and private. It is also in community with other worshipers, kasama ang ibang mga tagasunod ni Cristo. That is why mas mahalaga sa atin itong church gatherings natin, kesa sa mga family reunions, o teambuilding activities sa office. Sabi ng psalmist sa v. 63, “I am a companion of all who fear you, of those who keep your precepts.” Kaya mahalaga sa atin hindi lang yung gathering, kundi yung meaningful church membership. Yung maconfirm natin na yung mga nagsasabing Christian sila ay meron ngang evidence ng true conversion, merong pagkatakot sa Diyos, merong pagsunod sa salita niya. We want our church to be “a communion of saints” (Apostles’ Creed). Yes, nagkakasala pa rin, kaya nga tinutulungan natin ang bawat isa sa pagsisisi at pagbabalik-loob sa Diyos. Kaya we practice church discipline din, to warn others na hindi pwedeng magpatuloy ka na hypocrite, yung sinasabi mong Christian ka, pero you are not following Christ. Mahalaga ang lahat ng ito kasi we cannot read the Bible, study the Bible, obey the Bible nang nag-iisa lang. That si why we worship together and study the Word together and hold each other accountable for how we live our lives.
Kung ang focus ng Bible reading natin ay ang Diyos mismo, mag-uumapaw ang papuri natin sa Diyos. At mas nanaisin pa nating matutunan ang salita niya. Hindi tayo darating sa point na, “Ok na ako, marami na akong alam sa Bible.” Nandun pa rin yung willingness to learn, at yung pag-amin na kailangan natin ang Diyos para matutunan ang Bibliya. Kaya yung prayer ng psalmist sa v. 64, “Teach me your statutes!” Ito yung pag-amin na kailangan mo ang tulong ng Holy Spirit para maintindihan ang salita niya (1 Cor. 2:12-13). Kailangan natin ng mga teachers sa church na ipaliwanag ito sa atin. At kapag natutunan natin, hindi lang ito para sa sarili nating consumption. Hindi lang ito para maituro natin sa isa’t isa sa church.
Ang papuri natin, una, ay ceaseless praise. Ikalawa, in community with the church. At ikatlo, global, nag-uumapaw to the nations. “The earth, O Lord, is full of your steadfast love” (v. 64). In a way, totoo na ang buong mundo ay puno ng pag-ibig ng Diyos. Hesed, o covenant faithfulness ng Diyos. Kasi evident sa redemptive history ang katapatan ng Diyos sa kanyang pangako. Tinupad niya ito nang ipadala niya si Cristo para mamatay sa krus para sa mga kasalanan natin. In a way, this is also a prayer. Kasi marami pang tao ang hindi kumikilala kay Cristo. “Hallowed be your name, your kingdom come, your will be done on earth as it is in heaven.” Nandun yung hangarin nating matuto ng salita ng Diyos, dahil gusto nating makibahagi sa layunin ng Diyos na maipakilala si Cristo sa lahat ng lahi sa buong mundo. Para dumating ang araw na “the earth will be filled with the knowledge of the glory of the Lord as the waters cover the sea” (Hab. 2:14; cf. Isa. 11:9). Ito ba ang hangarin ng puso mo? Kung hindi ka nagbabasa ng Bibliya, hindi mo rin hinahangad na makilala ng iba ang Panginoong Jesus.

Conclusion

Kung ang pagtingin natin sa Word of God ay nakafocus sa God of the Word, ano ang magiging epekto nito sa atin? Nakita natin sa vv. 57-58, una, na mas makikilala natin ang Diyos na God of grace at yung mga salita niya ay gift of his grace para sa atin. Ikalawa, sa vv. 59-61 naman, mas makikilala natin ang Diyos na deserving of obedience at ito rin ang mag-uudyok sa atin to increase our commitment to obey him. Ikatlo, at dito naman sa vv. 62-64, makikita natin na karapat-dapat ang Diyos sa pagsamba at ito ang magpapainit sa atin sa pagpupuri sa kanya.
We read the Bible, we pray, we obey, we worship, we preach because of God. Meron pa bang mas mahalagang dahilan kesa sa Diyos? Wala na, sapagkat siya ang lahat-lahat para sa atin, kaya ang salita ng Diyos ang kailangan ding pagbulayan araw at gabi ng lahat sa atin, para ang salita ng Diyos ay makarating sa lahat ng dako ng mundo. Nawa’y ito ang maging hangarin ng puso ng bawat isa sa atin—ang Diyos higit sa lahat.
Related Media
See more
Related Sermons
See more